Kabilang sa "mga habilin ng Birheng Maria na mag-Rosaryo araw-araw at ipagdasal natin ang mga pari't madre."
Nailathala ang salaysay na ito noong 2008 sa "I Am Mary Mediatrix of All Grace" ni Sis. Teresita Castillo ('Teresing'). May ginawa ring dokumentaryong movie series si June Keithley-Castro noong 1991, ang "The Woman Clothed with the Sun". Magkaugnay at parehong hinggil ito sa mga aparisyon at mensahe ng Inang Maria sa Mt. Carmel Monastery sa Lipa, Batangas.
Ayon kay Sis. Teresing, simula noong Setyembre 12, 1948 ay maraming ulit na nagpakita sa kaniya at nagbigay ng mga mensahe at babala ang Mahal na Ina na nagpakilalang Siya ang "Mediatrix of all Grace".
Nasundan ito ng mga mahiwagang pag-ulan ng petals ng rosas sa hardin ng monasteryo. May lumitaw na mga sagradong imahen sa mga petals gaya ng Sacred Heart, crucifixion, Madonna and Child, Holy Family, ulo ng Kristo, Last Supper, San Jose, at iba pa. Ayon sa pagsusuri ng mga laboratoryo sa US, ang uri ng rosas ay matatagpuan lamang sa Russia.
Sina Bishop Alfredo Versoza at ang kaniyang Auxiliary Bishop Alfredo Obviar ay may direktang karanasan din sa penomenon kaya kapwa sila may paniniwala sa milagro sa Lipa.
Lumaganap ang interes at debosyon sa Birhen ng Lipa. Sukat dito, dumaan sa pag-uusig si Sis. Teresing at ang mga kasamahan niyang madreng Carmelite sa panahon ng pag-iimbestiga ng pamunuan ng Simbahan sa naturang penomenon.
May mga hindi naniniwala. Naghaka-haka sila na ang mga apparition sa iba't ibang panig ng mundo noong katatapos ng World War II ay epekto lamang ng trauma at halusinasyon.
Negatibo ang reaksiyon ng matataas sa Simbahan. Ikinabahala nila ang mabilis na pagdami ng mga tao na dumadagsa sa Lipa at sumaksi sa milagro. Ipinasiya nilang patigilin at supilin ang inaakala nilang "hindi totoong supernatural na pangyayari sa Lipa".
Noong 1951 ay bumuo ng 6-kataong Komisyon ng mga Obispo na nag-imbestiga. Kontrobersiyal iyon--mabilisan at "walang anumang presentasyon ng mga kaukulang ebidensiya". Marahas ang naging husga—nagdekretong "hindi totoo ang aparisyon, kaya hindi dapat paniwalaan at debosyunan. Pinasisira ang estatuwa ng Birhen at pinasunog ang mga estampita, litrato, personal diaries, pati mga petals na pinakaiingat-ingatan nila, at iba pang parapernalia. Ipinagbawal ang public veneration nito, at hindi na puwedeng mag-usap-usap tungkol dito; may banta pa ng excommunication ang hindi pagsunod."
Pero mapamaraan ang mga madre, itinago lamang nila ang imahen sa kanilang bodega na tumagal nang mahigit 40-taon. Kinimkim nila sa pananahimik ang dusa't pagdaramdam sa pag-asam na masilayang muli at maihayag ang katotohanan ng Lady of Mediatrix.
Si Bishop Obviar ay inilipat sa Lucena. Doon ay itinatag niya ang Missionary Catechists of St. Therese of the Child Jesus (MCST). Namatay si Bishop Obviar noong Oktubre 1, 1978, araw ng kapistahan ng kaniyang sintang patrong si St. Therese of Lisieux.
Si St. Therese of Lisieux ay madreng Carmel, at isang Doctor of the Church. Kilala bilang "Munting Bulaklak ni Jesus". Sa kaniya kinuha ang pangalan ni Sis. Teresing noong binyagan.
Mahirap malirip ang pinagdaanang pasakit ng 2 butihing Obispo, nina Sis. Teresing, at mga kasamahang madre na namuhay bilang mga "pinag-uusig na exiles" dahil sa pagiging saksing patotoo nila sa aparisyon ng Mahal na Ina ng Lipa.
"Hayan ang iyong Ina"
SA KABILANG DAKO, may "pangahas na kumupkop" sa Mahal na Ina. Ang ipinatatayong Cathedral ng Digos (Davao del Sur) noong 1950 ay pinalitan sa pangalang "Maria Tagapamagitan ng Lahat ng mga Biyaya" (translate: Mary, Mediatrix of All Grace) ni Msgr. Clovis Thibault, isang matatag na deboto ng Mediatrix. Noong 1954, ang kalapit-bayang Simbahan sa Kidapawan (Cotabato) ay pinalitan din sa pangalang "Maria Tagapamagitan ng Lahat ng mga Biyaya" ni Bishop Gerard Mongeau.
Si Sis. Alphonse ay co-founder ng Manila Carmel. Isa rin siya sa 6 na nagtatag ng Lipa Carmel, matapos ang ilang taon nang paghiling at pangungumbinsi ni Bishop Versoza.
Pinagbigyan ni Bishop Mariano Gaviola ang death wish ni Sis. Alphonse na ilabas ang imahen ng Birheng Mediatrix. Muling nasilayan ang Mediatrix sa funeral Mass ni Sis. Alphonse. Ang sabi ng mga kasamahan niyang madre: "Sa kaniyang pagpanaw, nagawa ni Sis. Alphonse ang bagay na hindi niya nagawa noong siya'y nabubuhay pa."
Dahil sa ipinakitang sigla ng debosyon ng mga tao sa muling pagkakasilay nila sa Mediatrix, mula noon ay hindi na ipinatago ng Obispo ang imahen. Nakadambana ito Chapel ng monasteryo para pampublikong debosyon.
Sa Misang dinaluhan ng 30,000 deboto noong Pebrero 1992, nasaksihan ang "himala ng sumasayaw na araw". Bunsod ng Espiritu Santo, si Obispo Gaviola ay hayagang "nagpasalamat sa Diyos sa makalangit na signos" sa okasyon ding iyon. Idineklara niyang "karapat-dapat ngang panaligan ang milagro sa Lipa."
Setyembre 12, 2015 naman nang idekreto ni Arsobispo Ramon Arguelles ng Lipa na “may moral na katiyakan para paniwalaan ang mga kaganapan noong 1948." Lalo pa niyang hinikayat ang masidhing debosyon at "binigyang-diin ang papel ng Birheng Mediatrix sa pagpapanatili ng sagradong kasal at pamilya."
Sa kasalukuyan, para kay Bishop Versoza, at Obviar (na tubong Lipa mismo), ay may simulaing isinusulong para sa kanilang canonization; bale 3 sila nina Arsobispo Teofilo Camomot ng Cebu kaugnay ng papalapit na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristianismo sa Filipinas.
Hayan ang Dragon, ang China
Lumitaw na ang bagong superpower at bully sa Asia--ang dambuhalang China. Sa China ay sinusupil ang Katoliko-Kristiano. Winawasak ang mga simbahang Katoliko. Ang one-child-policy ay para raw sa "kaunlaran" kaya't pwersahan ang abortion. Sinisikil at pinarurusahan ang mga inang sumusuway. Nakakasuklam na ginawa pang negosyo ang mga pinalalaglag na sanggol (aborted fetus) bilang pagkaing pampagana sa sex (aphrodisiac).
Bahagi ito ng mga sekretong deal ng ating gobyerno sa mga kontrata at sobrang patubong utang mula sa China. Ang masaklap pa nito, ang China na pinakamalaking pinagmumulan ng droga. Bistadong pinadadaan nila ang tone-toneladang droga sa ating Customs. At mag-best friend pa sila ngayon ni Pres. Duterte na taga-Davao.
Kitang-kita na ang signos ng madilim na panahon. Bumubuga ng nagngangalit na apoy ang bibig ng Dragon at ng kaniyang kampon.
Pray, and pray hard. Lumusob na sa atin ang China.