Tulad ng salitang “ginoo” sa “Aba ginoong Maria,” nagtaka rin ako kung bakit nga ba “hari” ang nasa “Santa Mariang hari”. At ang sagot ay parehong nasa unang aklat na inilimbag sa Filipinas noong 1593, ang Doctrina Christiana na isinulat ni Padre Juan Portocarrero de Plasencia, ang Franciscanong founder ng bayang Taytay.
Maliwanag na mula pa sa kauna-unahang pagtuturo ng Katesismo at pagdarasal, pagbabasa at pagsusulat, ang translation na ito patungkol sa Inang Maria sa katutubong wikang Tagalog, ay ginamit na ang mga salitang "ginoo, hari".
Ang aba po Aba po sancta Mariang hari yna nang aua. Ycao ang yquinabubuhai namin, at ang pinananaligan. Aba ycao ng̃a ang tinatauag namin pinapapanao na tauo anac ni Gua. ycao din ang ypinagbubuntun hining̃a namin nang amin pagtang̃is dini sa lupã baian cahapishapis. Ay aba pintacasi namin, yling̃o mo sa amin ang mata mong maauaĩ. At saca cun matapos yering pagpapanao sa amin. ypaquita mo sa amin ang yyong anac si Jesus. Ay Sancta Maria maauain, maalam, uirgen naman totoo, yna nang Dios. Cami ypanalang̃in mo, nang mapatoloi sa amin ang pang̃a ng̃aco ni Jesuchristo. Amen Jesus. |
Isang araw ng Biyernes, pagtunog ng kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng pagsamba, umahon sa paliligo sa ilog ang mga tao para magsimba. May isang nagpa-iwan at nagbirong, “Uwian n'yo na lang ako!” Patuloy siya sa paliligo habang inaawit ng kaniyang mga kasamahan ang Salve Regina, at siya’y sinakmal ng buwaya at iniwang malamig na bangkay na lulutang-lutang sa tubig.”
Dapit-hapon ng Oct. 11, 1492. Kakaiba ang araw na ito dahil bisperas ng kapistahan ng Our Lady of Pillar, ang dakilang patrona ng España. Muling pumailanlang ang awiting Salve Regina sa karagatan ng Atlantic. Ang siyamnapung manlalayag ay nasa ibabaw ng tatlong barko at nanalangin sa pamumuno ni Christopher Columbus, ang kanilang Almirante-Kapitan.
Ganito ang pagdarasal at ritwal nila tuwing magtatakip-silim mula pa noong maglayag sila galing sa España, may anim na buwan na ang lumipas. Nangako si Columbus na kapag hindi sila nakakita ng lupain bago ang kapistahan ng Mahal na Birhen ay tutulak na lamang sila pabalik sa España.
Oct 12, kapistahan na. Alas dos ng madaling-araw nang may kislap ng liwanag na natanaw mula sa lupain. Matagumpay silang dumaong sa lupaing pinangalanang San Salvador (ngayo’y Bahamas). At nabuksan ang sibilisasyon at pananampalatayang Kristiano ng Amerika, ang kinikilalang New World.
Ang pangalan ng punong barko ni Columbus ay Santa Maria [de la Inmaculada Concepción]. Noong pabalik na sila ay nanganib na lumubog ang kanilang mga barko. Dahil dito, nangako sina Columbus na magpi-pilgrimage sila sa unang simbahang Marian na daratnan nila, at tinupad nila ito sa Azores (Portugal). Pagsapit sa España ay doon naman sa monasteryo ng Our Lady of Guadalupe sa Extremadura bilang taimtim na pasasalamat.
- Lakbay-Pananampalataya, p. 27 < https://www.facebook.com/204744733045488/photos/a.207575086095786.1073741831.204744733045488/207575526095742/?&permPage=1 >
- Doctrina Christiana, Padre Juan de Plasencia
- America Needs Fatima (ANF) Blog <http://americaneedsfatima.blogspot.com/2013/10/christopher-columbus-came-to-america.html>