MAY DALAWANG "JUAN" sa buhay ng Taytay—ang patrong si San Juan Bautista na malaon na nating kilala, at ang founder na si Padre Juan de Plasencia na kikilalanin pa natin. May 438 years na ang lumipas nang maitatag ang Taytay bilang isang bayan at Simbahan noong 1579. IIsang okasyon ito subali’t magkatambal ang pag-iral ng dalawa. Hindi maaaring umiral ang isa kung wala ang isa pa. Ang nagtatag ng Taytay ay si Padre Juan Portocarrero de Plasencia ng Order of Friars Minors (OFM). Mula siya sa isang maykaya-sa-buhay at marangal na pamilya. Isinilang (circa 1520) sa bayang Plasencia, rehiyong Extremadura, España. Ang ama niya’y si Don Pedro Portocarrero, isang capitan ng barkong Kastila. Edad-16 nang yakapin ni Juan ang pulubing pamumuhay ng Ordeng Franciscano noong 1536. Naging misyonerong Katoliko siya at naodinahang pari noong 1545. Panahon iyon ng kasagsagan ng kilusang Protestante na sinimulan ni Martin Luther sa Europa noong 1521. At ito rin ang taon nang madiskubre naman ni Ferdinand Magellan ang Filipinas at naihatid ang Kristianismo sa kapuluang ito. Bunsod ng maalab na diwa ng pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa ibayong bahagi ng mundo, naglayag sina Padre de Plasencia at ang iba pa niyang kasamahang Franciscano para sa misyong Katoliko sa Filipinas noong Hunyo 24, 1577. Araw iyon ng kapistahan ng pagsilang ni San Juan Bautista, ang pinagkunan niya ng pangalan sa kabinyagan. Sila ang unang grupo ng mga Franciscano na dumating sa Filipinas noong Hulyo 2, 1578 sa daungan ng Cavite sa Manila Bay. At si Padre de Plasencia ang naging tagapanguna sa pagsusulong ng sistemang reduccion bilang pamamaraan ng pagtatatag ng mga pueblo o bayan sa Filipinas. Naging mahigpit niyang katambal si Padre Diego de Oropesa sa kanilang “Apostolikong paghayo nang padala-dalawa.” Sa prinsipyo, ang dapat sana ay magkatuwang itong isinakatuparan ng Simbahan at Estado ng Kastila. Pero sa aktuwal na karanasan ng Filipinas, ang tungkuling ito'y pabor at pangunahing binalikat lamang ng Simbahan sa pamamagitan ng mga misyonerong prayle. Sa aklat-pangkasaysayan ni Padre Eusebio Gomez Platero, ang "Catálogo biográfico” noong 1880, at gayundin ni Padre Felix de Huerta, ang "Estado Geografico” noong 1865, ay nakatala ang ulat hinggil sa misyon ng mga Franciscano sa Filipinas. Nakasaad sa mga ito ang partikular na ginampanang gawain ni Padre de Plasencia. Tiniyak na siya nga ang nagtatag ng bayang Taytay. Sa pamamagitan ng 2 aklat na naturan, sa wakas ay natunton na rin natin ang "tatay ng Taytay." Ang pueblo o bayan ng Taytay ay pormal na itinatag nang maitayo ang unang simbahang yari sa mahihinang materyales noong 1579. Naitala ito bilang isang visita ng Santa Ana de Sapa; nagkaroon ng juridical entity at tukoy na teritoryo. Ito ang pagkakalikha (inception) ng bayan at Simbahan ng Taytay sa isang mataong lugar na malapit sa gilid ng lawa. Ito ang taon na nagsimula ang pagmiministeryo ng mga Franciscano sa Taytay o Visita de Santa Ana de Sapa. Maliban pa sa Taytay, masigasig na naorganisa at naitatag din ni Padre de Plasencia ang mga bayan ng Morong, at Antipolo sa ngayo’y probinsiya ng Rizal; Tayabas, Lucban, Calilaya sa probinsiya ng Quezon; Mahayhay, Nagcarlang, Pila, Santa Cruz, Lumbang, Pangil, Siniloan, at Lilio (Liliw) sa probinsiya ng Laguna; at ng Meycawayan sa Bulacan. Si Padre de Plasencia ay lalong dalubhasa sa lengguahe. Isa rin siyang tagapamahala at organisador, tagapagturo at ebanghelista. Naging Custos o pinuno siya ng balangay ng Ordeng Franciscano sa Filipinas noong 1579-1580 at 1584-1588. Gayunman, hindi ito naging hadlang sa partikular at sabay-sabay na paglilingkod niya sa komunidad ng Taytay, at sa pagsisikap niya para sa ating katutubong wika sa pangkalahatan. Marami siyang inakdang mga aklat na pangrelihiyon at pangwika. Katangi-tangi ang Doctrina Christiana (1582) na may nag-iisang bersiyong Tagalog, 2 ang Chino; at ibinatay ito sa orihinal na Español na dati nang ginagamit sa mga kolonya ng Kastila. Ang Doctrina Christiana ang kauna-unahang librong inimprenta sa Filipinas noong 1590 (1 sa bersiyong Chino na di-lisensiyado) at 1593 (lisensiyadong bersiyong Tagalog at Chino). Mas nauna pa ang Doctrina Christiana kaysa sa unang aklat na “Bay Psalm Book” na inimprenta para sa mga kolonya sa Amerika noong 1640. Kabilang din sa mga gawa ni Padre de Plasencia ang Arte del idioma Tagalog at Diccionario Hispano-Tagalog, at Coleccion de frases Tagalas (mga salawikaing Tagalog, 1580), ang Arte y Vocabulario Tagalo, (balarila at diksiyonaryong Tagalog, 1581), ang La Santina (gabay sa panalanging Tagalog, 1585), ang Tocsohan, at iba pa. Dumating sina Padre de Plasencia sa Filipinas sa kapanahunan ng unang tahasang hidwaan sa pagitan ng Simbahan sa isang panig, at ng pamahalaang-sibil at mga encomendero sa kabilang panig. Ang unang Obispo ng Maynila-Filipinas ay si Padre Domingo de Salazar, isang Dominicano. Minsan na siyang nakulong sa Mexico dahil sa pagtatanggol sa mga katutubong Indio-Mexicano laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang-sibil ng Kastila bago pa man siya mahirang ni Haring Felipe II para sa ating kapuluan. Sa pamumuno ng Obispo, ginanap ang unang Synod ng Maynila noong 1582. Doon ay natanghal ang henerasyon ng mga misyonerong kinabibilangan nina Padre de Plasencia at ng iba pang superiors ng mga Ordeng relihiyoso na nagtanggol sa karapatan at dignidad ng mga Indio-Filipino. Walang pangiming tinukoy at inilantad nila ang lahat ng iba’t ibang pamamaraan ng pang-aapi ng Kastila sa mga katutubo. Tiniyak ang mga kasong dapat na may kaukulang bayad-pinsala. At lahat ng iyon ay ipinarating kay Haring Felipe II sa pamamagitan ng mahahabang opisyal na pag-uulat. Nagkaroon ng rebelyon ang mga Indiong Pampango at Tagalog noong 1585. Napagtanto ni gobernador-heneral Santiago de Vera na “makakapamahala lamang siya nang may katarungan kung mauunawaan niya ang costumbre o kaugalian ng mga katutubo.” Inatasan niyang mag-ulat sa kaniya si Padre de Plasencia na kilala niyang may pusong mapagmalasakit sa mga katutubong tuwiran niyang nakakaugnayan, at may malawak na kaalaman hinggil sa panlipunan at pulitikal na organisasyon, at pamumuhay ng mga Tagalog. Bilang pagtugon, natapos ni Padre de Plasencia ang aklat na Relacion de las Costumbres de Los Tagalos noong 1589. Ito ang unang sistema ng batas sa bansa na nasusulat ang mga kaugalian, tradisyon, at paniniwala ng mga katutubo. Ginamit ito ng mga alcaldes mayores (gobernador ng probinsiya) sa kanilang pamamahala. Ang Relacion ay sumaklaw sa pamamahalang panlipunan, pangkatarungan, kalayaan ng mga alipin (slavery), mga ari-arian at mana, at kasalan—habang pinanatili at pinahusay ang batayang istruktura ng dating barangay. Sa kalaunan, ang Relacion ay tinawag ding Codigo civil y codigo penal consuetudinarios de los filipinos. Ito ang naging kauna-unahang civil at penal code ng Filipinas. Sa loob ng labindalawang taon ng pagmimisyon ni Padre de Plasencia ay naunang naitatag niya ang Taytay noong 1579. Naging Parokya ito ni San Juan Bautista. Ang kapistahan ay tuwing Hunyo 24, araw ng pagdiriwang ng kapanganakan ng patrong San Juan Bautista. Sa dakong huli’y naitatag naman ni Padre de Plasencia ang bayan ng Liliw at doon siya namatay noong 1590. Ito’y naging isang parokya na inialay rin kay San Juan Bautista. At ang kapistahan ng Liliw ay tuwing Agosto 30, araw ng kamatayan at pagkamartir ni San Juan Bautista. “Juan”—sa wikang Hebreo at tradisyong Kristiano—ang ibig sabihin ng ngalang ito’y "pinagpala ng Diyos." Sadya ngang pinagpala ng Diyos ang Taytay. Ibinigay Niya sa atin ang isang Juan de Plasencia na nagpundar at naghanda ng ating pamayanan at Simbahan ng Diyos. Ipinagkaloob din Niya sa atin ang isang maluwalhating Juan Bautista na katangi-tanging Santong Patron. Ipagdangal ang ating 2-Juan. Magdiwang tayo. Happy Fiesta po! (Note: Malapit na pong matapos ang aklat na “Padre Juan de Plasencia, OFM: Tatay ng Taytay ni Juan”. Limitado po ang kakayahan nating mamahagi pero maaari po kayong humingi ng e-copy sa pamamagitan ng blog na ito. Libre po ito.)
Come June 24 this year of 2017, the town of Taytay and the St. John the Baptist Parish will jointly celebrate fiesta. It is the feast and solemnity of the birth of the Parish’s patron, St. John the Baptist. It is also the historic occasion of the 438th founding anniversary of Taytay as a town and local Church by the venerable Fr. Juan de Plasencia, a Franciscan missionary. Almost five centuries have gone by since the town of Taytay came into being, but its birth date and its founder are yet to be formally recognized. “Formally” would mean deliberately declaring such matters of paramount importance in fitting and proper manner. We had emerged from so long, long years of Christian faith and culture. Such historic encounter shaped and united us as a town and people, as a country and nation—and that’s what we are today. For all its worth, that, we could not just shrug off and disregard as for a tree to cut off its roots. Or, as a person having no known parents, that is, "putok sa buho" in local parlance. Celebrating the birth date, however, is not just about parties, jubilant celebrations, and holidays. This is a historic event rich in heritage and tradition but regrettably left unnoticed and out of concern to many. Fiesta celebration has become a time-honored tradition throughout the country. It is most common to observe the yearly fiesta patronal (patronage festival), which is dedicated to a patron Saint of whatever territorial entity—be it a town, parish, barrio, or chapel—that is observing it. Such is clearly religious in nature and it had centuries-old Hispanic cultural heritage. Oftentimes, the fiesta is also associated with the foundation day of the celebrating entity, based purely on historicity. Perhaps, others interject with deliberate philosophy or advocacy, or a combination of whatever sorts, other than the traditionally religious ones. Seldom are the ones which are based on legends, and rare are some with “confused or distorted” agenda and perspective. And lo! The St. John the Baptist Parish Church is on the right track as it celebrates its fiesta patronal, and for that matter, its 438th year of founding anniversary. That as well welcomes the “2017 Year of the Parish” in joyful anticipation of the “500 Years of Christianity in the Philippines” on 16 March 2021. And now we look forward to four more years of a wondrous journey being a community proud of its roots as Taytayeños, Filipinos, and Christians. And that’s how it should be. It has been observed in Taytay in recent memory the persistence of two town fiestas celebrated within a year—one on a Sunday, on or after the 15th day of February, which is under the auspices of the Taytay Municipio. The other one, of course, is on June 24, by the Parish Church of St. John the Baptist. That’s aside from the five barrio/barangay fiestas. But there ought to be only one town fiesta of Taytay. Many towns—in fact, almost all—celebrate by way of the traditional fiestas we have been accustomed to in featuring the usual revelries, parades, entertainment, musicals, amateur contests, parlor games, and various forms of festivities, including the festival of their own home products and industries. Even oftentimes with a lavish display of hospitality like the usual "handaan," and at times, with fireworks and excessive booze. Somehow, it was put right when the supposedly February fiesta started to be regarded as an occasion of “thanksgiving day” some time ago near the coming of the Jubilee Year 2000 during Rev. Fr. Ben Guevara’s term as the parish priest. From thereon, the June 24th feast day of St. John the Baptist, as fitting as it should, remains to be honored as the sole and the properly acknowledged town fiesta of Taytay. But it is of much regret, though, the introduction of a so-called “hamaka festival” in lieu of the thanksgiving day which is supposedly religious in nature. Admittedly, "hamaka" seems only a plain translation into Tagalog of the English word "hammock." Another synonymous word of which is "duyan." On commenting on this is in no way to cast aspersion on the said festival concept. It's unfair that such a joyful festival is to be flatly rejected. We desire not to refrain the festival per se, nor the "hamba-makina-kasuotan" (jambs-machines-clothes) of our local industries that it is supposed to promote. For such promotion of our hometown produce is unequivocally laudable. It's worthy of our hundred-and-one-percent support and encouragement. "Banghusay," we must say for such endeavor of making it part and parcel of our culture and heritage! What is unpleasing is the careless choice and use of the word "hamaka"; for "hamaka" had become a historic symbol and word of piety linked to the "hamaka" pilgrims of Our Lady of Antipolo, the dearly beloved patroness of our Diocese. We cherish the memoir of 438 years of Taytay's parish of St. John the Baptist being part of our first Diocese of Manila for exactly 400 years (1583-1983). And on the 25th of June 1983--the day after the feast of St. John the Baptist who "prepares the way of the Lord"--our Diocese of Antipolo, whom we dedicated to our Blessed Mother, was canonically erected. Hence, I beg to say in earnest and with much regret that such liberal use of "hamaka" is an affront to religious sensibility, especially to those devotees of the Blessed Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje. The purportedly "hamaka" word coined in the festival needs amending in terminology for the sake of communal harmony and understanding. Frank acknowledgment and clear depiction of our historical past is a great challenge and worthy of study. We live to cherish our rich heritage and cultural tradition. For all we know, a lot more of the historic past is just silently standing on the sides along with our path to the future. Indeed, we’ve got to move forward but without leaving once more our task of recognizing our beginning and founding past. Mabuhay ang Taytay at Parokya! Viva, Patron San Juan Bautista! Taytay, Antipolo--pueblos amante de Maria! |
AUTHORJose 'Ding' A. Fernandez--a retiring publishing artist, a student-beginner of history, desires to serve the Lord Jesus and devotes to Mary. |