Ang presensiya ng Divine Mercy ay makikita sa pamamagitan ng mga bungang kagandahang-loob at mabubuting gawa. Ito 'yung tinatawag na kawanggawa o acts of charity. At ito ang dahilan kung bakit ang Simbahang Katolika ang may pinakamarami at malawak na imga institusyong pang-charity. May preferential option for the poor ang Simbahang itinatag ng Panginoong Jesus.
Ang mga mabubuting gawa (works of mercy) ay mga kawanggawa na nakatutulong sa kapwa para sa kaniyang mga pangangailangang espiritwal at materyal (Isaias 58:6-7; Hebreo 13:3). Sakop nito ang kabuoang pagkatao--katawan at kaluluwa.
Ang pangangaral, pagpapayo, pagpapaginhawa at pagpapalubag-loob, gaya rin ng pagpapatawad at pagtitimpi sa pakikitungo sa mga nagkasala ay mga mabubuting gawang pang-espiritwal (spiritual works of mercy). May kaugnay pa rin ang mga ito na maraming iba't ibang anyo ng karukhaang kultural at pangrelihiyon (cultural at religious poverty).
Ang mabubuting gawang pangkatawan (corporal works of mercy) naman ay gaya ng pagpapakain sa nagugutom, pagpapadamit sa hubad, pagpapabahay sa walang tahanan, pagdalaw sa maysakit at bilanggo, at paglilibing sa patay.
Isa sa mga nangungunang patunay ng kawanggawa (charity) ang panlilimos sa pobre (alms giving). Isa rin itong gawang pangkatarungan (justice) sa paningin ng Diyos ("katarungan para sa dukha at api": Santiago 5:1-6; "katuruan sa panlilimos": Mateo 6:2-4, Sir 17:22).
Via Dolorosa sa Dolores Chapel, 28 Maso 2014
Naaalala ko ang payo ni Fr. Ben Guevarra noong mga panahong maraming namamalimos at nanghihingi ng bigas sa Parokya. Ang bilin niya sa mga taong-Simbahan: "kahit paano'y mabigyan ang mga lumalapit na nangangailangan...huwag hayaang umalis nang bigo ang isang namamalimos."
Suggested readings: Catechism of the Catholic Church -- VI. Love for the Poor, #2443-2449 http://www.vatican.va/archive/ENG0015/_P8F.HTM |