defend us on the day of battle;
be our protection against the
wickedness and snares of the devil.
May God rebuke him, we humbly pray,
and do thou, O prince of the
heavenly host,
by the power of God, cast into Hell,
Satan and all the evil spirits,
who prowl throughout the earth,
seeking the ruin of souls. Amen."
Ang Panginoon ay nakaluklok sa Trono. Ang nakapanghihilakbot na anyo ng Demonyo ay lumitaw sa harapan ng Trono. Mayabang na sinabi sa Panginoon na “wawasakin ko ang Simbahan mo.”
Ang sagot ng Panginoon: “Hindi mo kayang wasakin ang aking Simbahan. Mananatili ito hanggang sa wakas ng panahon.”
“Bigyan mo ako ng isandaang taon at higit pang kapangyarihan sa mga alagad ko, at mawawasak ko ang Simbahan,” paghahamon ng Demonyo.
At nagbigay si Jesus ng isandaang taon…
Ipinakita naman kay Pope Leo ang mga magaganap sa darating na isandaang taon: mga digmaan sa napakaraming bansa, malaganap na imoralidad, homosexualidad, pagpatay, malawakang pagpaslang ng mga lahi ng sangkatauhan.
Nakita rin niya ang pagsulong ng teknolohiya at kaalaman. Malilihis ang kaisipan ng tao, magiging palalo at mapagmataas.
Gayundin, lalaganap ang pagtataksil sa pananampalataya (apostasy) at pagbangon ng mga kultong Satanista.
At isinulat ni Pope Leo XIII ang isang exorcism o panalangin sa pagpapalayas ng masasamang espiritu. Ito ang panalangin kay San Miguel Arkanghel.
Ipinag-utos niyang dasalin ito, kasunod ng tatlong Aba Ginoong Maria (“Ave Maria") tuwing pagkatapos ng Linggong Banal na Misa bilang proteksiyon laban kay Satanas. Nagpatuloy ito hanggang noong 1970. Pero nakalulungkot na itinigil ito nang magkaroon ng “Bagong Misa.”
Ang kasamaan at ang umiigting na pananalakay ng Diablo sa ating kapanahunan ay nagpapaalalang higit nating kailangang panumbalikin ang Panalangin kay San Miguel Arkanghel—sa araw-araw at tuwing pagkatapos ng Banal na Misa.
Samantala, may mga grupong Marian na gamit ang pagdarasal ng Santo Rosario sa kanilang spiritual warfare. Ang Panalangin kay San Miguel Arkanghel ang kanilang pambungad na panalangin sa pagro-Rosario.