Ang Birhen ng Guadalupe rin ang Patrona ng mga bansang Amerika, gayundin ng pagdaigdigang kilusang ProLife at ng mga sanggol sa sinapupunan.
Mula sa Extremadura, España ay dinala ng manlalakbay na si Christopher Columbus ang imahen ng Birhen ng Guadalupe sa Mexico noong 1492. Sa unang pagyapak pa lamang niya sa lupain ay kaagad siyang lumuhod at dinasal ang Salve Regina. Mula roon ay nagkaroon ng bagong kahulugan ang kasaysayan nang mabuksan ang sibilisasyon at makilala ang Pananampalatayang Kristiyano sa buong Western world. At ang Birhen ng Guadalupe ang naging patrona ng buong Amerika.
Mabilis na lumaganap sa Mexico ang debosyon sa Birhen nang magpakita siya at magmilagro kay Juan Diego na isang katutubong Indian, sa burol ng Tepeyac noong Disyembre 9-12, 1531. Ang balabal na tilma ni Juan Diego ay nagpapakita sa “Birhen na nadaramtan ng mga bituin at araw.” Ang nakapintang imahen sa tilma ay hindi magawang ipaliwanag maging ng makabagong siensiya at teknolohiya sa kabila ng napakaraming pagsusuring ginawa ang mga dalubhasa. Sadyang hindi malirip ng dunong ng tao kung paano iginuhit ng Langit ang larawan ni Maria sa isang magaspang na telang maguey.
Makalipas ang 483 taon, nananatili pa rin hanggang ngayon ang milagrosang imahen sa dambanang Katedral ng Mexico. Nagpapaalala ito ng dakilang pag-ibig ng Birheng Maria sa sali’t saling henerasyon. Nahalinhan ng Katolisismo ang sinaunang pagsamba ng mga tao sa Mexico. Natigil ang paganong ritwal na pagpaslang ng libu-libong mga sanggol bilang alay sa templo ng mga diyus-diyosan ng katutubong Aztec Indians.
Sumulong sina Legazpi pa-Hilaga at itinatag ang Lungsod ng Maynila noong Hunyo 24, 1571, kapistahan ni San Juan Bautista. Tig-isang distrito sa Cebu at Makati, at ang tulay sa Ilog Pasig na nagdurugtong dito sa Mandaluyong ay pinangalanang “Guadalupe.”
Pueblo amante de Maria! Tunay ngang ang Pilipinas ay isang bayang nagmamahal sa Birheng Maria.