Ang propetang si Elias na nagtagumpay sa bundok ng Carmel laban sa mga diyus-diyosan ay nananalig sa pagdating ng isang Birheng magsisilang ng Tagapag-ligtas (Unang Hari 18:42). Nang lumaon, itinayo rin sa bundok ng Carmel ang isang maliit na simbahan bilang parangal sa Birheng Maria bago siya iniakyat sa Langit (Assumption). Dito rin nagpakita ang Birheng Maria kay St. Simon Stock na hawak ang Brown Scapular noong Hulyo 16, 1251; ganito rin kay St. Bernadette sa Lourdes, France noong Hulyo 16, 1858 at kina Lucia, Francisco at Jacinta sa Fatima, Portugal noong Oktubre 13, 1917.
Ang pagsusuot ng Brown Scapular ay tanda ng pagtatalaga-ng-sarili kay Maria na Ina ng Diyos (consecration to the Immaculate Heart). Ito’y simbolo ng pagtulad natin sa mga dalisay na virtues ni Maria, at tayo’y napasusukob sa mantel ng kaniyang maka-Inang pangangalaga. Ang Brown Scapular ay debosyon, isang "silent prayer."
July 16 ang kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel. Mainam na pagnilayan ang mensaheng taglay ng Brown Scapular gaya ng pangako ng Inang Maria kay St. Simon Stock noong July 16, 1251: “WHOSOEVER DIES IN THIS GARMENT SHALL NOT SUFFER ETERNAL FIRE.”
Si Juan ang nagbautismo sa pamamagitan ng tubig. Binautismuhan niya sa tubig maging ang Panginoon, ang tinuran niyang “Kordero ng Diyos na nagpapawi ng kasalanan ng mundo.” Pinatunayan ni Juan na “nakita niya ang Espiritu na bumaba mula sa langit gaya ng isang kalapati at namalagi sa Kaniya... Siya ang magbibinyag sa Espiritu Santo... Siya nga ang hinirang ng Diyos” (Juan 31-34). “Hindi ako karapat-dapat na magkalag man lang ng tali ng Kaniyang panyapak,” ang sabi pa ni Juan (Juan 1:26-27, 29).
Ang St. John the Baptist Parish ng Quiapo, ang “pinaghugutang-tadyang” ng parokya ng Taytay, ay mas kilala bilang Dambana ng Poong Nazareno. Humihikayat si Juan Bautista ng milyun-milyong deboto ng Black Nazarene, na kabilang sa kanila ay mula sa parokya ng Taytay—ang mga hijos de Nazareno. Sa parokya ng siyudad ng San Juan, Metro Manila, ay dagsa rin ang mga deboto ng Santo Cristo (Kristong Nakapako sa Krus). Ang St. John the Baptist Parish ng Taytay ay higit na kilala naman sa “Amba” (Santo Entierro). Sa gayon, natutupad ang salita ni Juan Bautista: “Dapat Siyang humigit at ako naman ay lumiit” (Juan 3:30).
Pope Paul VI, speaking of Marian devotions, especially of the Scapular, says “Let the faithful hold in high esteem the practices and devotions to the Blessed Virgin approved by the teaching authority of the Church. It is Our conviction that the Rosary of Mary and the Scapular of Carmel are among these recommended practices. The Scapular is a practice of piety, which by its very simplicity is suited to everyone.”
Sisters of Carmel
http://www.sistersofcarmel.com/brown-scapular-information.php